LRMC, muling nagpaalala sa publiko sa kanilang tigil operasyon ngayong weekend

24

Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Light Rail Transit o LRT line 1 ang kanilang mga pasahero na umpisa na ngayong weekend ang pansamantalang pagtigil sa biyahe ng kanilang mga tren.

Batay sa abiso ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, walang operasyon ang LRT line 1 simula ngayong araw, April 17, hanggang sa bukas, April 18, gayundin sa susunod na Sabado, April 24, hanggang kinabukasan ng Linggo, April 25.


Ito ay para bigyang-daan ang pagpapatuloy ng maintenance and rehabilitation activities sa kanilang linya at mga tren at istasyon na sinimulan noon pang Semana Santa.

Tiniyak naman ng LRMC na nag-deploy sila ng public utility buses sa Route 17 o Monumento hanggang EDSA via Rizal Avenue/Taft Avenue para magsakay ng mga pasahero na maaapektuhan sa apat na araw na shutdown.

Facebook Comments