Anim na milyong tao sa NCR, dapat mabakunahan para mabawasan ang COVID-19 cases – OCTA Research

Kailangang makapagbakuna ang pamahalaan ng nasa anim na milyong residente sa Metro Manila bago makita ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa katapusan ng taon.

Ayon kay OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco, dapat mabakunahan ang kalahati ng populasyon sa National capital Region (NCR) para makita ang epekto nito sa bilang ng kaso sa ikatlo o ikapat na kwarter ng taon.

Ang OCTA ay maglalabas ng modeling data ngayong linggo kung saan nakapaloob dito ang mga proposals na nakatuon sa vaccination strategy ng pamahalaan sa NCR.


Sa datos ng Department of Health (DOH), higit dalawang milyong COVID-19 vaccines na ang naiturok sa buong bansa kung saan higit 320,000 ang nakumpleto na first at second dose.

Facebook Comments