Anim na Miyembro ng 4Ps, Huli sa Aktong Pagsusugal

5142

*Cauayan City, Isabela-* Inaresto ng mga awtoridad ang anim na ginang matapos mahuli sa aktong pagsusugal ng tong-its sa Brgy. Annafunan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Helen Zipagan, 36 anyos, may asawa; Judith Roriguez, 26 anyos, may asawa; Leticia Denguray, 50 anyos may asawa; Mary Jane Caliguiran ,27 anyos, may asawa; Vicky Canceran 52 anyos, may asawa at Elena Laman,57 anyos, may asawa at kapwa mga walang trabaho at residente ng Brgy. Annafunan, Tumauni, Isabela.


Ayon kay PMAJ. Eugenio Mallillin, Hepe ng PNP Tumauini, batay sa impormasyon na kanilang natanggap mula sa mga residente sa lugar ay makailang beses na ang mga itong nagsusugal hanggang sa beripikahin nila ang impormasyon na nagresulta ng pagkakahuli sa mga ito.

Napag alaman pa na miyembro ang anim na nahuli ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps sa lugar.

Nakumpiska naman sa pag iingat ng mga suspek ang 2 baraha, pera na nagkakahalaga ng 257.00 , 2 table set at anim na upuan.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa PD 1602 o Penalties on Illegal Gambling ang anim na suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments