Manila, Philippines – Patay ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang walo ang sugatan sa nangyaring labanan sa pagitan ng tropa ng gobyerno sa barangay Malagakit, Pigcawayan, North Cotabato.
Ayon kay Captain Napoleon Alcarioto, Spokesperson ng 602nd brigade ng Philippine Army na nakabase sa bayan ng Carmen, North Cotabato – sa kasagsagan ng rescue operation kahapon, nakita nila ang mga bangkay ng biff rebels na karga-karga ng mga kasapi nila habang papatakas sa sakay ng motor banca sa liguasan marsh.
Samantala, dahil sa nangyaring pag-atake, apektado na ngayon ang halos 30,000 estudyante.
Ayon kay North Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas – hindi lamang ang bayan ng Pigcawayan, North Cotabato ang nagdeklara ng suspension of classes ngunit pati na rin ang bayan ng Midsayap, North Cotabato at posibleng madagdagan pa.
Ang pagsuspinde ng klase ay dahil na rin aniya ng takot ng mga magulang na papasukin sa mga paaralan ang kanilang mga anak dahil sa nangyaring kaguluhan.
Iniutos na rin na magkaroon ng evacuation center sa west district at magbigay ng emergency education sa mga kabataan pati na rin ang pagsasailalim sa psychological briefing sa mga dumaranas ng matinding trauma dahil sa nasabing pangyayari.