DZXL-RMN Manila, ginawaran ng Rotary Club of Manila Journalism Award bilang Radio Station of the Year!

452

Manila, Philippines – Isa na namang pagkilala ang natanggap ng DZXL-RMN Manila.

Ngayon taon ang DZXL-RMN Manila ay pinarangalan ng Rotary Club of Manila Journalism award bilang Radio Station of the Year!!

Personal itong tinanggap nina DZXL station Manager Mr. Jenil Demorito at RMN Network Inc. Vice President for operations Mr. Enrico Guido Canoy sa New World Hotel sa Makati City.


Ang Rotary Club of Manila, ay kauna-unahan sa asya na nagdaraos ng journalism award simula pa noong 1967.

Isa itong katangi-tanging parangal na ibinibigay sa mga outstanding individuals sa tri-media.

Nitong nakaraang taong ang DZXL-RMN Manila ay binigyan din ng pagkilala ng UP-los Banos Gandingan Awards bilang 2016 Best AM Station.



Muli, nagpapasalamat ang buong DZXL-RMN family sa Rotary Club of Manila sa paggawad ng journalism award bilang Radio Station of the Year!!

Facebook Comments