Anim na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa Pangasinan ang nakatanggap ng kabuuang P7,392,200.00 technology assistance mula sa Department of Science and Technology-Region 1 (DOST 1) sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Office (PSTO) sa lalawigan.
Sinabi ni Engr. Arnold Santos, provincial director ng DOST-PSTO, na ang tulong sa teknolohiya ay nasa ilalim ng 2023 Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) na naglalayong bigyang-daan ang mga kumpanya na matugunan ang kanilang mga teknikal na problema sa pamamagitan ng mga interbensyon sa teknolohiya.
Dagdag pa ni Santos na sa ilalim ng programa, ang DOST ay nagbigay ng pondo sa mga kumpanya para magamit nila sa pag-upgrade ng kanilang mga kagamitan at pagbutihin ang kanilang produksyon at paghahatid ng mga serbisyo.
Mula sa 17 firms, ang unang anim na firms ang unang nakinabang sa programa ay ang mga sumusunod: Moonlight Poultry Farm sa San Carlos City, De Vera Printing Press sa Dagupan City, R&E Poultry Farm sa Laoac. Vin Roofing Center sa Malasiqui (P260,000.00); Liway at Fidelity Mushroom Products Trading sa Sta. Maria (P200,000.00); at Gandang Ani Enterprises sa bayan ng Binalonan.
Gayundin, hinimok ni Santos ang iba pang MSMEs sa lalawigan na kwalipikadong maging bahagi ng programa at handang i-upgrade ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng technological advancement. |ifmnews
Facebook Comments