Anim na Nagpositibo sa COVID-19, Gumaling

Cauayan City, Isabela- Gumaling na sa COVID-19 ang anim na kataong nagpositibo mula sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ulat ng Cauayan City Health Office, idineklara nang ‘Fully Recovered’ sina CV4864 ng brgy. Labinab; CV4893 at CV4894 ng brgy. Cabaruan; CV4896 ng brgy. District 1; CV4876 ng brgy San Fermin, at CV4877 ng brgy. San Fermin.

Ang anim na gumaling ay hindi nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.


Sa kasalukuyan, mayroon pang 56 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments