Andrea Brillantes, natupad na ang itinuturing niyang most difficult dream

Sobrang proud ngayon ang young actress na si Andrea Brillantes matapos niyang ma-fulfill ang isa sa kanyang biggest dreams.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Andrea ang picture ng kanilang bagong bahay na kanyang ipinundar mula sa pagta-trabaho sa showbiz industry na para sa kanyang pamilya.

Tinawag pa niyang itong “most difficult dream to come true” dahil umabot sa 10 years bago ito naisakatuparan.


Ito rin ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya para pagbutihin ang kanyang trabaho at sobrang happy siya ngayon dahil natupad na ito.

Kasabay nito, nagpasalamat si Andrea sa kanyang mga fans na tumulong upang maabot ang kanyang pangarap.

Facebook Comments