Anim na panibagong city bus route, bubuksan ng DOTr

82

Anim na panibagong ruta ng bus sa Metro Manila ang bubuksan ng Department of Transportation (DOTr).

Bukas, June 5, 2020, idaragdag sa ilalim ng 31 rationalized bus routes ang:


  • Route 1: Monumento – Balagtas, Bulacan
  • Route 17: EDSA – Montalban, Rizal
  • Route 18: NAIA loop

Simula naman sa Lunes, June 8, 2020, available na rin ang mga rutang:

  • Route 3: Monumento – VGC
  • Route 11: Gilmore – Taytay
  • Route 21: Monumento – San Jose Del Monte

Makikipagpulong ngayong araw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga concerned bus operators para malaman kung ilang bus units ang kanilang maide-deploy.

Aminado naman ang DOTr na bigo silang makapagbigay ng sapat na transportasyon sa unang araw ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Transportation Asec. Giovanni Lopez, nang dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon para sa mga manggagawang nabalik-trabaho ay nakompromiso na ang social distancing.

Facebook Comments