Filipino community sa Hong Kong, COVID-19 free na!

55

COVID-19 free na ang Filipino community sa Hong Kong.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Brigido “Dodo” Dulay na base sa ulat ng Philippine Consulate General Office sa Hong Kong, wala ng Pinoy doon ang apektado ng virus.


Lahat aniya ng Pilipinong tinamaan ng sakit sa Hong Kong ay gumaling na at nakalabas na ng ospital.

Sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs, aabot na sa 5,259 na mga Pilipino sa abroad ang nagpositibo sa COVID-19; 2,205 dito ang gumaling na habang 354 ang nasawi.

Samantala, lumobo na sa mahigit 6.4 million ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan 382,016 dito ang nasawi.

Facebook Comments