Anim na PhilHealth regional officials na nag-leave of absence, hindi miyembro ng ‘mafia’, ayon kay Sec. Roque

Kinumpirma ng Malacañang na naghain ng leave of absence ang anim na regional directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y korapsyon sa ahensya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang anim na opisyal ay hindi bahagi ng sinasabing ‘mafia’ sa ahensya na tinutukoy ni Senator Panfilo Lacson.

Tinatawag aniya silang mga ‘bayani’ ni PhilHealth Board Member Alejandro Cabading batay sa mga testimonya nito sa Senado.


Para kay Roque, nararapat lamang ang ginawa ng PhilHealth officials at sumunod sa panawagan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Sinabi ni Guevarra na natanggap ng kaniyang opisina ang sulat ng anim na regional vice presidents ng PhilHealth kung saan inaabiso nila ang kanilang leave of absence.

Ang sulat ay pinirmahan nina Vice Presidents Paolo Johann Perez, Datu Masiding Alonto Jr., Valerie Anne Hollero, Khaliquzzman Macabato, Dennis Adre at William Chavez.

Umaasa si Guevarra na ang iba pang opisyal na nadadawit sa nagpapatuloy na imbestigasyon na isinasagawa ng Kongreso at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ay mag-leave din para mabigyang daan ang malayang pagsisiyasat ng Task Force PhilHealth na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments