Larry Gadon, hindi mabuting halimbawa sa tamang pagsusuot ng face mask, ayon kay VP Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi mabuting halimbawa si Atty. Larry Gadon pagdating sa pagsusuot ng face masks.

Nabatid na nag-viral si Gadon kung saan naka-tape lang ang face mask sa likod ng kaniyang face shield.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na mali ang ginawa ni Gadon.


Pinayuhan ni Robredo ang lahat na huwag sundin ang ginawa ni Gadon.

Una nang sinabi ni Gadon na hindi siya naniniwala na kailangang magsuot ng mask sa labas dahil hindi naman ito epektibo para maprotektahan ang tao mula sa COVID-19.

Ang mahalaga para kay Gadon ay magkaroon ng matibay na resistensya at malusog na pangangatawan.

Facebook Comments