Nasa full alert status na ngayon ang anim na Regional Offices ng Philippine National Police (PNP) sa Luzon.
Ito ay dahil sa ipinatutupad ngayong Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, simula nitong Biyernes, March 13, 2020 ay nakataas na full alert status ang anim na mga Regional Police Offices.
Ang mga PNP regions na ito ay ang Cagayan Valley Region, Northern Luzon, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON, at Bicol Region.
Sinabi ni Gamboa ang mga pulis sa mga regional police offices na ito ay ang tumutulong ngayon sa mga police sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sila ang nagmamando ngayon sa mga quarantine checkpoints na magtatagal hanggang April 13, 2020.
Panawagan naman ni Gamboa sa mga taga luzon na sumunod na lamang sa ipinatutupad na patakaran ng gobyerno para na rin mas mapabilis ang paglaban sa pagkalat ng COVID -19.