Anim na pribadong kumpanya, kinasuhan ng tax evasion sa DOJ

Manila, Philippines – Anim na sinasabing delinquent companies ang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue sa Dept. of Justice.

Kabilang sa mga kinasuhan ang Enviroking Corporation dahil sa hindi pagbabayad ng 643-million pesos na buwis sa taong 2009.

Umaabot naman sa 8.2 million pesos ang hindi nabayarang buwis ng Enzio Ferrera Corp. sa taong 2011.


Base sa record ng BIR, 8.6-million pesos naman ang tax liability ng Filippi Nouvelle.

Kinasuhan din ng tax evasion ng BIR ang Ira General na may tax liability na 44-million pesos.

Ang Lifeware Corporation naman na may 11.2-million na hindi nababayarang buwis ay kinasuhan din sa DOJ, gayundin ang VTM QuilTS na may 25-million tax liability.

Ayon sa BIR, matagal na nilang inabisuhan ang naturang mga kumpanya na magbayad ng kanilang buwis subalit hindi tumugon ang mga ito.

Facebook Comments