Teacher sa Public School – Tinambac, CamSur, Huli sa Drug-Buy-Bust

1318

Isang Public School Teacher at apat na iba pa ang nahuli ng otoridad sa isinagawang drug-buy-bust operation kamakalawa sa Progress Homes Subdivision sa Brgy. Del Rosario, bayan ng Canaman, Camarines Sur.

Kinila ang mga suspect na sina 1.Bryan Caezar Pederio y Bobis also known as (a.k.a) “MAESTRO”, 36, public school teacher sa Bataan Elementary School at residente rin ng Brgy. Bataan, Tinambac, Camarines Sur; 2.Berna Magsino y Barsabe a.k.a. “BERN”, 25, single, walang trabaho at residente ng Progress Homes Subdivision, Brgy. Del Rosario, Canaman; 3.Jhodel Nepomuceno y Abellano a.k.a. “Jhodel”, 29, single, construction worker at residente ng Brgy. Calauag, Naga City; 4.Charlotte Caña y Conosta , 28, walang trabaho at residente ng Brgy. Calauag, Naga City, at 5.Salvador Alegre Jr. a.k.a. “Luis Alegre Jr/Tatay”, legal age, walang trabaho at residente rin ng Progress Homes Subdivision, Brgy. Del Rosario, Canaman, CamSur. Sila ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng PDEA CamSur.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni PDEA CamSur Agent Vidal DC Bacolod kasama ang mga elemento ng Canaman Municipal Police Station sa pamumuno ni PSI Chester P. Acop.


Facebook Comments