Anim na tao, sugatan matapos araruhin ng kotse sa Quezon City

Quezon City – Sugatan ang anim na tao matapos araruhin ng isang kotse ang mga motorskilong kasalubong nito sa Boni Serrano Avenue sa Quezon City.

Ayon sa mga motorista, nabulaga na lamang sila nang biglang magdire-diretso ang kulay puting Toyota Vios na may plakang AAP 9642 na minamaneho ni Roy Sandro Turino na inaantok ng mga oras na iyon.

Depensa naman ni Turino, papunta sana siya ng Katipunan Avenue nang bigla na lamang nag-counterflow ang mga motor kung kaya’t kinabig ang manibela dahilan para bumaligtad ang sasakyan niya.


Pero sinabi ng isa sa mga nasugatang motorcycle rider na nakahinto lamang sila nang sakupin ng sasakyan ni Turino ang kanilang linya.

Facebook Comments