Lalaking nagnakaw ng bisikleta ng pulis, patay

Taguig City – Patay ang isang suspek sa pagnanakaw ng bisikleta matapos mabaril isang pulis sa Acacia St. Corner MRT Avenue, Purok Uno, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Agosto Cruz, 44-anyos, residente rin ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon ng Taguig police, lumalabas na ninakaw ng suspek ang bisikleta ni police Supt. Juvenal Barbosa sa Barangay Kalawaan, Pasig City.


Napag-alaman na dinala ng suspek ang bisikleta sa Taguig kaya agad na humingi ng tulong ang biktima sa PCP 2.

Nang dumating sa lugar, nakita ng suspek ang mga pulis kaya’t bumunot siya ng baril sabay kalabit sa gatilyo, pero hindi ito pumutok.

Doon na napilitan si Barbosa na paputukan ang suspek kung saan naisugod pa sa ospital ang suspek pero binawian ng buhay.

Facebook Comments