Anim na Wanted sa Batas Kabilang ang Isang Notoryus, Nadakip sa Isabela!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Nakapiit na ang anim na katao na Wanted sa batas kabilang ang isang notoryus na Wanted sa bayan ng Tumauini, Isabela matapos mahuli sa isinagawang “Manhunt Charlie” ng kapulisan dito sa lambak ng Cagayan.

Isa sa mga nadakip at Top 8 na Wanted sa listahan ng bayan ng Tumauini, Isabela ay kinilalang si Aries Gancinia Magaoay, bente anyos, si Antonio Gancinia, kwarentay sais anyos, magsasaka at pawang mga residente ng Brgy. Sisim Alto, Tumauini, Isabela.

Sina Antonio at Aries Gancinia ay dinakip ng mga otoridad sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte dahil sa kaso nilang Pagnanakaw.


Nadakip rin ng mga kapulisan ang isa pang indibidwal na si Arceli Macababbad, sisentay dos anyos, may-asawa, isang guro at residente ng Annafunan East, Tuguegarao City, Cagayan dahil sa kaso nitong Slander.

Kabilang rin sa mga nadakip ay kinabibilangan nina Zenaida Reyes, singkwentay singko anyos, Jonard Reyes, trentay tres anyos at si Joel Reyes, trentay uno anyos at parehong mga residente ng Brgy. Nanguilattan, Peñablanca dahil sa kanilang kasong Estafa.

Samantala, nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga nadakip na suspek para sa kanilang kaukulang kaso.

Facebook Comments