COTABATO – Umakyat na sa anim na raang milyong piso ang danyos ngayon na dulot ng El Niño Phenomenon sa lalawigan ng North Cotabato.Ito ay base sa pinakahuling report mula sa Office of the Provincial Agriculturist.Kaugnay nito nagpapatuloy ngayon ang ginagawang Cloud seeding operation sa lalawigan lalo na sa mga lugar na labis na naapektuhan ng nabanggit na kalamidad tulad ng Alamada, Pigcawayan, Kabacan, Matalam, Aleosan, Mlang, Magpet, Kidapawan City, Pikit, Tulunan at Carmen.Sa kasalukuyan, nakapagsagawa ng limang paglipad ng eroplano na katumbas ang apat na oras na cloud seeding operation na may kabuuan namang 75 bags ng asin na naibudbod sa mga ulap sa himpapawid.Ang mga bayan na kung saan unang nakapagsagawa ng cloud seeding ay sa Mlang, Makilala, Kidapawan City, Pres. Roxas, Antipas, Magpet, Matalam, Carmen at Alamada.Naitala naman ang mga pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Pikit, Midsayap, Aleosan, Makilala, Magpet, Antipas at sa boundary ng Davao del Sur pagkatapos ng sortie o paglipad ng eroplano.Ang cloud seeding operation ay isang mitigation measure Provincial Governent katuwang ang Provincial Agriculturist at ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office bilang tugon sa mga apektadong magsasaka at mga pamilya.
Anim Naraang Milyong Piso Danyos Pinsala Dahil Sa Tagtuyot Sa North Cotabato
Facebook Comments