Anim sa bawat 10 Pilipino, naniniwalang sapat ang Anti-COVID-19 measures na ipinapatupad sa pampublikong transportasyon – SWS Survey

Naniniwala ang anim sa bawat 10 Pilipino na sapat ang ipinapatupad na safety at health measures sa pampublikong transportasyon laban sa COVID-19 pandemic.

Sa mobile phone survey ng Social Weather Stations (SWS), 60% ng respondents ang nagsabing sapat ang mga ipinapatupad na anti-COVID measures.

Nasa 27% naman ang nakukulangan habang 13% ang undecided.


Mas marami ang nagsabing sapat ang anti-COVID measures sa mga pampublikong transportasyon sa Visayas, kasunod ang Mindanao, Balance Luzon at panghuli ang Metro Manila.

Lumalabas din sa survey na mas marami ang satisfied sa ipinapatupad na hakbang laban sa COVID-19 sa public transportasyon sa mga indibidwal na mayroong sasakyan (62%) kumpara sa mga walang sasakyan na nasa 57% lamang.

Ang survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20 sa 1,249 respondents.

Facebook Comments