Tatalong lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa Muntinlupa, arestado

38

Timbog ang tatlong lalaking nagtutulak umano ng shabu sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kanila pasado alas-6:00 kagabi.

Kinilala ang suspek na sina Edmon Samonte, 48-anyos, Jomari Nonato Camposo, 28-anyos, at Richard Duman-ag Adriatico, 32-anyos.


Nakuha mula sa kanila ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu at may katumbas na halagang P10,200.

Ginawa ang nasabing operasyon laban sa mga suspek matapos makumpirma ang mga pagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Alabang ng nasabing lungsod.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments