Anini-y Antique, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Antique kaninang alas-12:25 ng tanghali.

Natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol 20 kilometro ng timog-kanluran ng Anini-y Antique.

May lalim itong 6 km at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Naramdaman naman ang ilang intensity sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV – Anini-y, Tobias Fornier, at San Jose de Buenavista, Antique
Intensity III – Belison, at Sibalom, Antique; Iloilo City
Intensity II – Bugasong, Barbaza, at Patnongon, Antique

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Anini-y, Antique
Intensity II – Iloilo City; San Jose de Buenavista, Antique
Intensity I – Sebaste, Antique; Sipalay City, Negros Occidental; Tapaz, Capiz

Wala namang naitalang pinsala ang lindol pero asahan na ang mga aftershock.

Facebook Comments