Drug suspek at isang rebelde, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP

90

Naaresto ng mga operatiba nang pinagsanib pwersang Camarines Sur Police Provincial Office at Calabanga Municipal Police Station ang isang 52 anyos na drug suspect.

Kinilala ito na si Cristita Pontarom.

Sa naturang operasyon, nasabat kay Pontarom ang nasa halos P1.4 million halaga ng shabu.


Samantala, arestado rin ng PNP ang isang wanted na komunisya sa Milagros, Masbate.

Kinilala itong si Manolito Apalit na mayroong nakabinbing warrants of arrest dahil sa Multiple Attempted Murder at Murder.

Kasunod nito, binigyang papuri ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin ang Police Regional Office 5 sa Bicol dahil sa kanilang major accomplishments.



Facebook Comments