Hindi nakatiis si Annabelle Rama na maglabas ng hinaing sa paulit-ulit na usapin ng citizenship ni ABS-CBN chair emeritus Eugenio “Gabby” Lopez sa pagdinig ng franchise renewal ng network.
Sa ikalawang pagkakataon nitong Lunes, Hunyo 8, muling ginisa ng Kongreso si Lopez na noong nakaraang linggo pa dumepensa na isa siyang natural-born Filipino kahit sa United States isinilang, dahil parehong Pinoy ang kanyang mga magulang.
Partikular na binatikos ng talent manager ang aniya’y “nakakahilo” at “paulit-ulit” na pag-uusisa ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa may-ari ng network.
“Pwede ba lahat ng Congressman na walang alam sa itatanong tumahimik nalang or magtanong muna sa lawyer bago pumunta sa Congress,” saad ni Rama sa Twitter sa parehong araw ng hearing.
“Nakakahiya at nakakabwisit manuod ng hearing. Dong Marcoleta delaying tactics ang ginagawa mo—lahat kayo gusto lang ma-starring sa TV!” dagdag niya.
Pwede ba lahat ng Congressman na walang alam sa itatanong tumahimik nalang or magtanong muna sa lawyer bago pumunta sa Congress. 🤨 Nakakahiya at nakakabwisit manuod ng hearing. Dong Marcoleta delaying tactics ang ginagawa mo – lahat kayo gusto lang ma starring sa TV! 🙄
— Annabelle Rama (@annabellerama2) June 8, 2020
Kinuwestyon din ni Rama ang pagpapa-recite ni Marcoleta kay Lopez ng “Panatang Makabayan” para umano patunayan ang katapatan nito sa bansa.
“Ako isang Pinoy na bisaya. Hindi ko alam ang sinasabi ni dong Makuleta. Panatang Makabayan bakit kailangan sa hearing yan?” aniya.
Ako isang pinoy na bisaya.Hindi ko alam ang sinasabi ni dong Makuleta.Panatang Makabayan bakit kailangan sa hearing yan?Mga taong bayan at mga botante.
Malapit na election alam nyo na kung sino ang iboboto nyo.Nakakatawa kayo Ha ha ha..bwesssssit!— Annabelle Rama (@annabellerama2) June 8, 2020
“Ayaw kong makita sa TV ang pagmumukha ng Congressman na ang haba na ng TV Exposure. UNCLE SAM, DONG??” aniya na sinundan ng tanong na, “SINO BA SI UNCLE SAM DONG???? Paki explain mong Mabuti.”
Pinuri naman ng talent manager si Cong. Rufus Rodriguez dahil daw sa malinaw nitong paliwanag hinggil sa citizenship.
“…dahil former Immigration Commissioner siya (Roddriguez), alam niya lahat ang itatanong. Naubos na oras sa mga nonsense na tanong anong tanong yan! Mahal mo ba ang Pilipinas? Siyempre,” hirit ni Rama.
Dagdag pa niya, “Hay naku nawala ang antok ko ang sarap makinig kay cong. Rufus Rodriguez understood Filipino citizen si Mr. Gabby Lopez confirmed by DOJ Usec. Nicolas Felix Ty Immigration Com. Jaime Morente. Dapat mga ibang congressman makinig na sa marunong sa batas dada kayo ng dada.”