Anne Curtis, na-overcome na ang biggest fear nito

68

Matapang na hinarap ng aktres na si Anne Curtis ang biggest fear nito sa kaniyang underwater adventure sa Taytay, Palawan.

Sa isang video na ibinahagi ni Anne sa kaniyang Instagram account, makikita ang pagda-diving niya sa ilalim ng tubig nang walang anumang suot na scuba suit.


Bagama’t kinakabahan, proud na proud naman si Anne sa kaniyang achievement dahil tinatayang aabot aniya sa pitong taon bago niya ito nagawa.

Ang husband ni Anne na si Erwan Heussaff ang kumuha ng video.

Nagpahayag naman ng pagbati sa aktres ang ilang celebrity tulad nina; Isabel Oli, Lizz Uy, Marc Nelson at Angel Locsin.

Facebook Comments