Anne Curtis, nagkomento sa naging meme ng netizens kay Miss Sorsogon

916
Image via Instagram/ Maria Isabela Galeria

May mensahe si Anne Curtis kay Maria Isabela Galeria, kandidato ng Miss Sorsogon, na ginawang umano’y ‘meme’ dahil sa matagal na paghawak ng mikropono sa Q&A nitong Binibining Pilipinas 2019 coronation night.

Sa kaniyang post sa instagram, sinabi ni Galeria na wala siyang masamang intensyon kay Anne Curtis at kinakabahan lamang siya sa tanong.


“So today I woke up as a meme. I honestly had no bad intentions towards @annecurtissmith I was just really nervous and was concentrating to answer the question being asked.

Anne is a superstar and was very kind, polite and gracious to all of us. It was a pleasure and inspiring to be in her presence🌹” ayon sa kaniyang caption.

Nag-komento naman si Anne Curtis sa post ni Galeria na ‘wag mag-alala sa mga ‘memes’ at lahat naman ng kandidato ay kabado.

Itinuturing niya ring ‘honour’ ang kaniyang naging serbisyo sa lahat ng kandidata.

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang naging komento ni Anne.

Pinagtanggol din ng mga taga-suporta ni Galeria mula sa mga bash ng netizens ang nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers