Inaprubahan na ng sangguniang panlalawigan ng Pangasinan ang iprinesentang proposed annual budget ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City para sa taong 2023.
Ang taunang badyet ng lokal na pamahalaan ay nagpapahiwatig ng mga prayoridad ng isang komunidad, mga inaasahang kita at mga gastos, at plano para sa hinaharap gay ana lamang ng anong kita ang babayaran para sa kung aling mga serbisyo ng departamento at para kanino ang mga serbisyong nakaprisenta sa proposed annual budget.
Sa proposed annual budget na iprinesenta naman ng LGU San Carlos sa ginanap na budget hearing ay wala naman umanong nakikitang mali ang sangguniang panlalawigan dito at wala naman pagtutol sa mga proyekto at programang paggagamitan sa hinihiling na annual budget.
Sa pagpapasa ng naturang budget ng lungsod ay asahan ang pagpapatupad at pagsasagawa ng mga nakahandang proyekto at programa para sa mga mamamayan ng siyudad.
Kasama sa naman sa pagpiprisinta ng annual budget ang alkalde ng San Carlos City at mga kawani at opisyal ng lungsod at nagsilbing panel naman sina Sangguniang Panlalawigan members Hon. Shiela Marie Baniqued, Hon. Vici Ventanilla at Hon. Noel Binci. |ifmnews
Facebook Comments