Año, inatasan ang LGUs na higpitan pa ang mga hakbangin kontra dengue

Manila, Philippines – Pinahihigpitan pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Local Government Units (LGUs) ang kampanya nila laban sa dengue at iba pang kahalintulad na mosquito-borne diseases.

Kasunod ito ng pagdeklara ng Department of Health (DOH) na isa nang pambansang epidemya ang dengue.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kailangang seryosong ipatupad ng mga LGUs ang  4S Strategy sa kanilang lokalidad, tulad ng Search and Destroy Breeding Sites; Seek Early Consultation; Self-protection at pang-apat ay gawin lamang ang   fogging sa mga hotspot areas kung saan may pagtaas ng kaso ng dengue ng dalawang magkasunod na linggo.


Hinimok ng DILG chief ang lahat ng mga mayors at barangay officials na pangunahan ang mga gagawing aktibidad at gawing aktibo ang aksyon barangay kontra dengue.

Pinapayuhan din sila ng ahensiya na mahigpit na makipag-ugnayan sa kani-kanilang DOH Regional Office sa pagpapatupad ng mga inisyatibo upang maiwasan ang dengue.

Facebook Comments