Lalaban bilang Gubernador ng Camarines Sur si incumbent 1st District Congresman Rolando “Nonoy” Andaya sa darating na 2019 Midterm Elections.
Ito ang kinumpirma ng kanyang malapit na kaibigan na si Board Member Russel Bañes sa pakikipag-usap ni RadyoMaN Jun Orillosa ng RMN Naga-DWNX.
Ayon kay Bañes, kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagtitipon sa Metro Manila ang olang local officials mula sa limang distrito ng Camarines Sur kung saan nagkaroon ng masinsinang pag-uusap na nag-udyok kay Andaya na tatakbo bilang gubernador ng Camarines Sur. Ito ay para mabigyan umano ng mabuting pagpipilian ang mga mamayan sa darating na 2019 elections at magkakaroon na rin ng mas matinong liderato sa probinsiya.
Samantala, maliban kay Nonoy Andaya para sa pagkagubernador, kakandidato rin sa 1st District ang kanyang butihing maybahay na si Marissa Mercado-Andaya at kapatid na si Maribel Andaya-Eusebio para sa 2nd District. Si Maribel ay dati ng nagsilbing mayor ng lungsod ng Pasig. Kaugnay nito, nakatakda na umanong magparehistro si Maribel Andya-Eusebio bilang residente sa bayan ng Libmanan kung saan ipinanganak ang lola at ama ni Cong. Nonoy Andya na si late Cong. Rolando Andaya Sr na nagsilbi bilang chairperson ng makapangyarihang Committee on Appropriations noong kanyang kapanahunan sa kongreso.
Idinagdag pa ni Bañes na bubuo ng complete line-up si Cong. Nonoy Andaya para sa buong probinsiya lalung-lalo na sa municipal level. Kaugnay nito, inaasahang magkakaroon ng malaking pagtitipon ang grupo ni Andaya kasama ang mga local leaders na kaalyado nito sa darating na buwan.
Makakabangga ni Cong. Nonoy Andaya sa pagkagubernador si Incumbent Governor Migz Villafuerte, samantalang makakaharap naman ng kanyang kapatid na si Maribel Andaya-Eusebio sa pagkakongresista sa 2nd District si incumbent Congressman LRay Villafuerte. Mangyayari ito kung sakaling magpasyang magpa-re-elect ang mag-amang Villafuerte sa mga posisyong hawak nila sa kasalukuyan.
photo credit: fb post of Jun Topacio Orillosa