Naranasan mo na bang tuksuhin, awayin o ma-bully ng ibang tao? Ito ang ilan sa mga dapat mong gawin kung nakaranas ka na ng pambubully mula sa iba.
1. Isulat o i-track ang mga pangyayari: kung sino ang nambubully at kung ano ang ginagawa niyang pambubully para may ebidensya ka ng pambubully niya.
2. Huwag lumaban ng pisikalan dahil ang mga bully, kapag nilalabanan, mas tumataas ang confidence nila na mang-bully.
3. Huwag mahiyang kumausap ng mas nakakatanda o kaibigan para mailabas ang naaramdaman at hinanakit.
4. Huwag manahimik. Tulungan mo ang sarili mong palakasin ang loob.
5. Mas isipin ang mga taong mababait sa’yo at mas pahalagahan mo sila.
Facebook Comments