Anong mga ugaling Pinoy ang nakakainis para sayo?

Ngayong Nobyembre ipinagdiriwang ang Filipino Values Month at maraming ugali ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki sa buong mundo gaya ng pagiging maka- Diyos, Maka-kalikasan at pagiging Maka-bansa ngunit mayroon ring ugaling Pinoy ang nakakainis. Baka ang isang ugaling pinoy na kinaiinisan mo ay narito:

  1. Paasa – Yung tatanugin ka kung kumain ka na, kung kumusta ka, yung sasabihan ka ng ingat ka. Yung naguumpisa ka ng maniwala at magtiwala sa pag-ibig pero ang lahat ng iyon panandalian lang pala dahil nagbago na ang isip niya at nakahanap na ng mas better sayo. Pero tandaan mo WALANG TAONG PAASA KUNG WALANG UMAASA.
  2. Drawing – Nag message sa group chat ng barkada at nag-aayang pumunta sa Busay Falls naplano na niya ang lahat, sasakyan, pagkain na dadahin, oras ng pag-alis at pati na rin ang camera na perfect sa pagkuha ng moments niyo. Umoo ang lahat sa plano pero noong araw na ng get together niyo kaniya kaniyang rason na kung bakit hindi sila matutuloy. KAILAN KAYA MAKUKULAYAN ANG DRAWING NA PINAPANGARAP NIYO?
  3. Social Climber o Mapagpanggap – Walang pera pero uutang para lamang may maipakitang bago sa mga kaibigan. Hihiram ng mamahaling gamit ng pinsan niya at ipagmamayabang sa mga ka trabaho. Pupunta sa isang coffee shop, magpipicture at gagawing profile picture. Kumakapit sa mga taong sikat para sumikat rin siya. OKAY LANG MAGMUKHANG MAHIRAP AATLEAST HINDI NAGPAPANGGAP NA MAYAAMAN.
  4. Pabibo – Yung pa petiks petiks lang siya sa klase pero wala siyang bagsak sa exam. Yung konting konti na lang papalitan niya na yung teacher niyo dahil alam niya lahat. BUKO PARA SA MGA TAONG PABIBO.

Sa kabila nito ang ating lahi ay mas marami paring magaganda’t mabubuting pag-uugaling maipagmamalaki natin sa buong mundo. Ilan dito ang pagiging masayahin, matatag, maka-Diyos, maka-bayan, at magaling makitungo!


Image Credited to Google Images

Facebook Comments