ANOTHER SIDE OF PIA | Pia Wurtzbach – pangarap na maging kontrabida

Manila, Philippines – Dedma na lang ang beauty queen-actress na si Pia Wurtzbach sa mga puna ng netizens na tumaba siya base na rin sa mga pictures niya sa social media.

Say ni Queen P, sanay na siya sa mga ganong puna ng netizens dahil kahit bago pa siya sumali sa mga beauty pageant, palagi na rin daw itong topic.

Sa ngayon, mas nagpapasalamat na lang daw siya dahil tuloy-tuloy ang pasok ng mga endorement niya tatlong taon matapos manalo sa miss universe.


Nagbida na rin siya sa ilang mga pelikula at pangarap naman niya ngayon na gumanap na kontrabida.

Gusto raw niya na makita ng tao ang “Another Side of Pia Wurtzbach”.

Abala rin ngayon si Pia sa ginagawa niyang libro tungkol sa kanyang buhay.

Facebook Comments