Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumalon sa 4% ang antas ng inflation sa bansa noong Marso.
Mas mataas ito kumpara sa 3 % na naitala noong Pebrero.
Ang inflation o pagbilis ng pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo nitong Marso ngayong 2022 ay mas mababa naman kumpara sa 4.1 % na naitala noong kahalintulad na buwan noong nakalipas na taon.
Tinukoy ng PSA ang pagtaas sa inflation bukod sa pagmahal ng presyo ng food at non-alcoholic beverages.
Kabilang dito ang pagtaas ng halaga ng tubig, kuryente, gas at ibang uri ng panggatong at transportasyon.
Naitala rin ng PSA ang pagtaas ng presyo ng nakakalasing na inumin at sigarilyo at household equipment.
Facebook Comments