Pamahalaan, magdodoble kayod upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin

67

Siniguro ng Palasyo ng Malacañang na dadagdagan pa ng pamahalaan ang pagsusumikap nito para matugunan ang patuloy na pagsirit ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ito ang reaksyon ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa pagsipa ng inflation sa buwan ng Marso.

Ayon kay Andanar, patuloy na nakatutok ang economic managers ng Duterte administration sa inflation na noong nakaraang buwan ay umakyat sa apat na porsyento.


Nakikitang factor dito ng kalihim ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, transportasyon at iba pa.

Kasunod nito, tiniyak nito na walang dahilan para mag-relax at sa halip, mas lalo pang dapat na magdoble kayod upang matugunan ang usapin sa pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Facebook Comments