Pinaghandaan ng hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang gagawing pagbabantay sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program o SAP.
Ito ay para hindi makapanggulo ang mga communist terrorist group.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, nagkaroon sila ng adjustment sa deployment ng tropa sa field para matiyak na hindi makakapanggulo ang New People’s Army (NPA) at iba pang threat groups sa gagawing distribusyon.
Para mapabilis pa ang distribusyon ng SAP, magpapatuloy naman ang AFP sa pagbibigay ng technical, administrative, at logistical assistance sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang transportation assets.
Batay sa Joint Memorandum Circular 20 (JMC) ang second tranche ng SAP ay ipapamahagi sa mga benepisyaryo sa National Capital Region, Region 3 maliban sa Aurora, Region 4-A, Benguet, Pangasinan, Iloilo Province, Cebu Province, Bacolod, Davao City, Albay Province at Zamboanga City.
Matatandaang inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP at PNP na tumulong sa pamimigay ng cash assistance.