Antas ng tubig sa Angat Dam, bumagsak na sa critical level

Bumagsak na sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong araw.

Kaninang alas 6:00 ng umaga, bumagsak sa 179.97 Meters ang lebel ng tubig sa angat na mas mababa kumpara sa minimum operating level nito na 180 Meters.

Nauna nang ibinabala ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagsadsad ng water level sa Angat na inaasahang babagsak pa sa 170 Meters sa Mayo.

Dahil dito, simula May 1 babawasan na ng NWRB ang alokasyon para sa irigasyon kasabay ng pagsisimula ng anihan.

Nasa 10 Cubic Meters ang ibabawas mula sa kasalukuyang alokasyon na 35 Cubic Meters.

Sa nakalipas na 50 taon umaasa ang Metro Manila sa tubig na nanggagaling sa Angat Dam.

Ayon sa MWSS 96 percent ng tubig na isinusuplay sa kamaynilaan ay galing sa nasabing Dam, tatlong porsiyento mula sa Laguna Lake at isang porsiyento lang mula sa mga Deep Well.

Facebook Comments