Sunog sumiklab sa ginagawang gusali sa Bonifacio Global City sa Taguig

Inaalam na ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog sa isang ginagawang gusali sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nagsimula ang sunog kaninang alas-10:26 ng umaga sa ika-anim na palapag ng ginagawang BGC Corporate Center 2 sa 5th Avenue.

Makalipas ang halos isang oras, agad din itong naapula at inabot lamang sa unang alarma ang insidente.


Sinasabing pawang mga air-con na naka-box pa ang laman ng kuwarto kung saan nagsimula ang sunog kayat hinala ng mga otoridad na posibleng faulty electrical wiring ang dahilan.

Wala naman nasaktan sa nasabing sunog at ligtas din nakalabas ang mahigit dalawang daang trabahador nito.

Facebook Comments