Mas bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa monitoring ng MWSS, as of 6AM kanina , nasa 161.30 meters na ang water level ng naturang dam kung saan 160 meters ang ‘critical low level’ nito.
Dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ng mula 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Kamaynilaan at mga karatig lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad at Manila Water.
Dulot nito, nararanasan na ang water service interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila.
Panawagan ng MWSS sa publiko, makiisa sa pagtitipid sa tubig.
Pinaalalahan din ng MWSS ang mga water concessionaire na tiyaking masusunod ang kanilang water service schedule.
Facebook Comments