Matapos na bahagyang tumaas nitong nakaraang araw, muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 kaninang umaga ay bumaba sa 161.69 meters ang water level ng Angat. Mas mababa kumpara sa 161.86 meters na naitala kahapon ng umaga.
Nabawasan din ang Ipo Dam na ngayon ay nasa 99.63 meters ang water level at La Mesa Dam na ngayon ay nasa 72.27 meters na.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang mga eksperto na muling tataas ang lebel ng tubig sa mga dam lalo at inaasahang dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong buwan.
Facebook Comments