“Anthropophobia,” most searched phobia sa Google nitong 2020

Itinanghal na ‘most Googled’ para sa taong 2020 ang “Anthropophobia” o takot sa ibang tao.

Sa survey na inilathala ng isang American Security Company, ang “Anthropophobia” ay nasa 22-percent ng lahat ng phobia na sine-search ng mga tao online.

Naitala ang peak nito sa pagitan ng April 19 hanggang 25, 2020 kasabay ng pagkalat ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


Bukod dito, madalas ding hinahanap online ang depinisyon ng salitang “nomophoia” o takot na mawalan ng mobile phone, “autophobia” o takot na mag-isa, at “germaphobia” o takot sa mikrobyo.

Ayon sa American Psychiatric Association, ang phobia ay isang irrational at excessive fear sa isang bagay o sitwasyon.

Facebook Comments