Anti-Child Marriage Act, tiwalang tutuldok na sa pang-aabuso sa mga kabataan

Tiwala si Deputy Speaker Bernadette Herrera na malaki ang maitutulong para maprotektahan at mabago ang buhay ng mga kabataan matapos na maisabatas na ang Anti-Child Marriage Bill.

Aniya, ang Republic Act 11596 ay isang “major victory” para sa kampanya na tuluyang tutuldok sa nakakabahalang pagsasagawa ng child marriage sa ating bansa, at maprotektahan ang mga kabataan lalo na ang mga kababaihan laban sa pang-aabuso.

Sa Anti-Child Marriage Act, papatawan ng mabigat na parusa ang mga solemnizing officer, magulang, guardians o adults na mangunguna, magsasagawa o masasangkot sa child marriage.


Mahaharap ang mga ito sa hindi bababa sa P40,000 na multa at pagkakakulog ng hanggang 12 taon.

Malaki naman ang pasasalamat ni Herrera kay Pangulong Rodrigo Duterte sa suporta nito sa batas na matagal nang inilaban at isinulong ng Kongreso.

Facebook Comments