LTFRB Central Office, pansamantalang sarado; mga empleyado rito, isasailalim sa swab testing

34

Dalawang araw na sarado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office na magsisimula ngayon araw Enero 6 hanggang Enero 7.

Batay sa abiso ng LTFRB, ito’y bahagi ng ipatutupad na pag-iingat dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon sa ahensya, sasailalim ang mga empleyado sa mass swab testing at magsasagawa rin ng disinfection sa mga pasilidad at opisina ng LTFRB Central Office.


Dahil dito, hindi muna tatanggap ng anumang pisikal na transaksyon ngayong araw at bukas ang ahensya.

Hindi rin magiging aktibo ang 24/7 Hotline na 1342 ng LTFRB.

Para sa mga nais kumunsulta o magtanong sa LTFRB, maaring magpadala ng mensahe sa LTFRB Official Facebook page o magpadala ng e-mail sa Public Assistance Complaints Desk (PACD) e-mail address – pacd@ltfrb.gov.ph



Facebook Comments