Anti-COVID-19 Discrimination Order, ipinapatupad na sa Lungsod ng Parañaque

Aprubado na ng Lokal na Pamahalan ng Parañaque ang Executive order no. 2020-027 o ang Anti-COVID19 Discrimination Order of Parañaque City.

Sa ilalim ng nasabing kautusan, ipagbabawal ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa mga medical at non-medical frontliners kasama din ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 maging ang mga Person Under Investigation at Monitorong.

Ipinasa ng Lokal na Pamahalaan ng Parañaque ang Executive order no. 2020-027 upang mapangalagaan at maproktektahan ang lahat ng indibidwal na may kaugnayan sa COVID-19, mapa-frontliners man ito o mga pasyente.


Ang sinumang lalabag sa inilabas na kautusan ay sasampahan ng kaukulang kaso at depende na din sa desisyon ng korte ang magiging parusa.

Samantala, inaprubahan na din ang Executive order no. 2020-028 o ang resolusyon na naglalayong higpitan pa ang ipinapatupad na guidelines ng home quarantine sa Lungsod ng Parañaque.

Kabilang sa nasabing resoluyon ang pagpapatupad ng mandatory wearing of face mask, strict physical distancing at pamamahagi ng mga face mask sa bawat residente ng Lungsod ng Parañaque.

Ang naturang hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Parañaque ay para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa Lungsod kahit pa may ilang araw na lamang bago matapos ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Facebook Comments