Anti-COVID-19 vaccines ng Pfizer at AstraZeneca ng COVAX, darating ngayong buwan – Galvez

Matatanggap na ng Pilipinas ngayong buwan ang unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa US drug maker na Pfizer.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 1.3 million doses ng Pfizer at nasa isa o dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines ang darating sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Sinabi ni Galvez na ang 193,000 initial Pfizer vaccine doses ay posibleng dumating sa May 11 para sa pilot vaccination nito sa bansa.


Kinukumpirma pa niya kung kailan naman darating ang AstraZeneca vaccines.

Ang unang batch ng Pfizer vaccines ay ipapadala sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR), Cebu, at Davao.

Dahil isang sensitibong bakuna ng Pfizer na nangangailangan ng -70 degrees Celcius na cold storage at kailangang direkta itong ipapadala sa Cebu at Davao para maiwasan ang mishandling.

Ang dagdag na AstraZeneca vaccines ay gagamitin para sa inoculation ng healthcare workers na naturukan na ng first dose.

Bukod dito, dalawang milyong Sinovac vaccines mula China ang posibleng dumating bukas, May 7 habang mayroong dalawang milyong doses ng Sputnik V vaccines mula sa Russia.

Facebook Comments