Mga lumalabag sa patakaran sa pagsusuot ng face masks, pinaaaresto ni Pangulong Duterte

118

Aarestuhin at makukulong sa loob ng siyam na oras sa police station ang sinumang hindi maayos na nagsusuot ng face mask sa publiko.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya na hulihin ang mga lumalabag sa patakaran ukol sa tamang pagsusuot ng face mask.


Marami pa rin ang hindi sumusunod sa face mask protocol kaya nahihirapan ang pamahalan na tugunan ang pandemya.

Binigyang diin ng Pangulo na kailangang paigitingin ang health protocols para mapigilan ang pagsipa ng COVID-19 cases.

Ipinaalala ni Pangulong Duterte sa publiko na suotin ng wasto ang face masks kung saan natatakpan ang ilong at bibig.

Sa oras public health emergency, mahalaga ang pagsusuot ng face mask bilang proteksyon sa COVID-19.



Facebook Comments