ANTI-CRIMINALITY BORDER CONTROL CHECKPOINT SA REGION 2, ISTRIKTONG IPATUTUPAD NG PRO2

Cauayan City, Isabela- Mahigpit na babantayan ng kapulisan ang lahat ng border control checkpoints sa buong lambak ng Cagayan bilang bahagi ng kanilang anti-criminality campaign.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLTCOL. Efren Fernandez II, ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2, sa pamamagitan aniya nito ay maaaring maiwasan ang iba’t ibang krimen.

Aniya, mas pinaigting ngayong ang pagpapatupad sa mga checkpoints sa kabila ng napapaligiran umano ang rehiyon dos ng mga rehiyon ng Cordillera, Region 1 at Region 3.

Samantala, may augmentation ang pulisya mula naman sa pwersa ng Special Action Force at Regional Mobile Force Battalion.

Nakatakda namang madeploy ang mga pulis na una nang na-assign sa ibang mga yunit na makabalik rehiyon dos at muling makaboto sa nalalapit na halalan 2022.

Nakahanda naman ang mga pulis na magbigay ng dagdag seguridad hindi lamang sa mga kandidato kundi sa mga mamamayan ngayong panahon ng halalan.

Mahigpit naman aniyang ipinagbabawal ang pagtatalaga ng police escorts ang mga kandidato maliban na lamang kung mayroong pahintulot mula sa COMELEC.

Patuloy naman ang gagawing pagbabantay ng kapulisan sa rehiyon upang matiyak na magiging payapa ang panahon ng halalan.

Facebook Comments