LINGAYEN, PANGASINAN – Paiigtingin ng Pangasinan Provincial Police Office ang anti-criminality campaign nito kasabay ng papalapit na eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Pangasinan Provincial Police Director Col. Richmond Tadina, pagtutuunan ng pulisya ang pagsasagawa ng checkpoint operations upang mapigilan ang mga kriminal.
Magsasagawa din ito ng search warrants para sa kampanya sa loose firearms.
Samantala, hihintayin ng pulisya ang COMELEC para sa pinal na listahan ng mga kandidato upang malaman ang mga lugar na isasailalim sa hotspot or areas of concern.###
Facebook Comments