Anti-cyber crime group ng PNP, may apela sa mga magulang matapos ang pagkalat nang umano ay suicide game na Momo challenge sa internet

Manila, Philippines – Nakikiusap na ngayon ang PNP Anti Cyber Crime group sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak kasunod nang nadiskubreng umanoy suicide game sa internet na Momo challenge na ang target ay mga bata.

Ayon kay PNP ACG Director Police Chief Supt. Marni Marcos sa kabila na wala pa silang makitang basehan na may kaugnayan sa umanoy suicide game na ito ang pagkamatay ng ilang bata ay inaalerto nila ang mga magulang upang maprotektahan ang mga kabataan.

Paalala rin ni Marcos hindi lang sa mga magulang kundi maging sa publiko na maging mapagmatyag.


Sakali namang may may alam na insidente na may kinalaman ang Momo Challenge application na ito sa internet sinabi ni Marcos na agad na tumawag sa PNP Anti Cyber Crime hotline 414-1560 o kaya tumungo sa pinakamalapit na Regional Anti-Cybercrime Unit o anumang police station.

Facebook Comments