ANTI-DELIQUENT | SSS Dagupan may final warning sa mga pasaway na employers!

Umabot na sa 8,000 na pabayang mga employer ang hahabulin ng Social Security System Dagupan City Branch dahil sa hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado.

Ayon kay Monalisa Nardo Branch Manager ng SSS Dagupan City ito ang kanilang programang Run After Contribution Evaders o RACE na naglalayong pagbayarin ang mga employers na bayaran ang kontribusyon ng kanilang empleyado dahil ito ay kanilang obligasyon. Sa ilalim ng Social Security Law obligasyong ng employer na ireport ang kanilang empleyado sa loob ng 30 na araw mula noong unang araw ng pagtratrabaho.

Hindi lamang Dagupan City ang babantayan maging ang Mangaldan, San Fabian, Manaoag, San Jacinto, Sta. Barbara, Calasiao, San Carlos City, Bayambang at Malasiqui “Kung lahat ng efforts naming ay hindi niyo papakinggan at bibgyan ng halaga, malapit na kaming pumunta diyan,” babala ni Nardo. Magsasampa umano ng kaso ang SSS kapag napatunayan na pabaya ang isang employer.


Facebook Comments