ANTI-DENGUE VACCINE | Bilang ng mga batang nasawi matapos maturukukan ng Dengvaxia, umakyat na sa higit 60

Manila, Philippines – Pumalo na sa 62 ang kaso ng mga batang umanoy nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, nasa 31 sa nasabing bilang ang naisumite na ang record sa Philippine General Hospital (PGH) dengue investigative task force para suriin.

Kabilang na dito ang 14 na kaso ng mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia kung saan lumabas na tatlo lamang sa mga ito ang nasawi dahil sa Dengue.


Maliban rito, naisumite na rin sa task force ang record ng 17 iba pang nasawi at inaasahang isasapubliko ang resulta sa susunod na araw.

Facebook Comments